Inihahanda na ng pamahalaang bayan ng Orani, ang kanilang Comprehensive Land Use Development Plan para sa susunod na mga taon.
Ayon kay Orani Mayor Efren Pascual, Jr., napakahalaga ng isang development plan ng isang bayan sapagkat ito ang magiging basehan ng mga gagawing imprastrakture para sa kaunlaran sa mga darating na panahon. “Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang kaunlaran ng Orani at ibig din natin magkaroon ng continuity ang mga pagawain natin,” paliwanag pa ng punong-bayan na nasa huling termino ng kanyang panunungkulan.
Tinututukan ngayon ni Mayor Bondjong ang mga malalaking proyekto gaya ng itinatayong fish trading facility sa coastal village ng Pantalan Luma na kung saan makikinabang ang mga mangingisda hindi lamang mula sa Orani kundi sa iba’t-ibang bayan ng Bataan. Pinag-uukulan din ng administrasyon ni Pascual ang larangan ng edukasyon kung kaya’t itinatayo na rin ang Orani Integrated School sa Barangay Mulawin.
The post Comprehensive development plan ng Orani, inihahanda na appeared first on 1Bataan.