Sa kabila ng mainit na pagtatalo tungkol sa isyu ng plantang nukleyar, nanatiling buo ang paninindigan nina Congressman Albert Garcia at Congresswoman Gila Garcia laban sa nuclear bilang source ng energy.
Kamakailan inaprubahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9293 o ang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act” na naglalayong magtatag ng legal framework tungkol sa maingat na paggamit ng nuclear energy sa bansa.
Sinabi ni Cong. Abet na dapat pag-aralang mabuti ang planong paggamit ng nuclear sapagkat wala pang kakayahan ang Pilipinas para sa sinasabing “small modular reactor” bukod pa sa lubhang napakamahal nito. Ayon pa kay Cong. Abet: “We cannot overlook the fact that nuclear power is actually more expensive. It is said that nuclear power is inherently cheap when in fact the costs are enormous if we consider the whole life cycle of a nuclear plant, from its inception, construction, operation and decommissioning.”
Sinabi naman ni Cong. Gila na dapat lamang ilahad sa bayan ang totoo at huwag linlangin ang taumbayan tungkol sa issue ng nukleyar bilang source of energy.
The post Cong. Abet at Cong. Gila, buo ang paninindigan appeared first on 1Bataan.