Sa kasagsagan ng Bagyong Egay, hindi inalintana ni Cong. Gila Garcia kasama sina Mayor Tong Santos at Chief of Staff Rolly Rojas ang panganib dahil sa tumataas na tubig sa mga ilog at binahang daan, binisita nila ang mga pamilyang apektado ng bagyong Egay.
Ikinatuwa ng mga taga Brgy. Magsaysay na makita si Cong. Gila na anila’y tila naging liwanag nila sa malulam na panahon. Sa kabila nang madulas ang daan at matatarik pa ang daan, tuloy si Cong Gila sa paglilibot sa iba’t ibang lugar para makita ang kalagayan ng kanyang mga constituents.
Dagdag pa ng mga taga Magsaysay na naging malaking tulong para sa kanila ang mga ipinagawang proyekto ni Cong Gila kahit na nong Mayor pa ito, na mga sirang tulay, daan, dike at mga kanal lalo na sa mga purok 2 at 3 ng kanilang barangay.
Sa obserbasyon ng mga mamamayang taga- Dinalupihan, totoo umanong napakalakas ng ulan na nagpalaki ng mga tubig-ilog gayundin mga baha sa daan subali’t mabilis din umano itong bumaba maliban na lang sa talagang mababa ang lugar.
Hindi naman nagpabaya si Mayor Tong Santos na agad na kumilos sa sitwasyon ng kanyang mga kababayan na mabigyan ng ayuda ang mga taong apektado ng bagyong Egay lalo na iyong kinakailangang ma-evacuate gayundin yong nasiraan ng mga bahay.
The post Cong. Gila, binisita ang Dinalupihan sa kasagsagan ng bagyo appeared first on 1Bataan.