Cong. Gila dumalo sa Rice Pilot Project inter-agency meeting

Philippine Standard Time:

Cong. Gila dumalo sa Rice Pilot Project inter-agency meeting

Alam ng lahat kung gaano kalaki ang problema ng bansa pagdating sa mataas na halaga ng bigas, kung kaya’t gayon na lang ang pagsisikap ni Cong Gila Garcia na makatulong sa mga mamamayan at mga magsasaka.

Dinaluhan ni Congresswoman Gila Garcia ang Rice Pilot Project Inter-agency Meeting kasama si Mayor Tong Santos ng Dinalupihan upang higit pang malaman ang mahahalagang datos gaya ng mga existing and proposed irrigation facilities, rice producing barangays, at production data, na ayon sa kanila ay paghahandaan na nila sakali’t ibaba ang proyektong ito sa kanilang bayan.

Ayon pa kay Cong. Gila, ang layunin umano ng Rice Pilot Project ay para magkaroon ng kooperasyon ang bawat ahensya ng pamahalaan upang maging matagumpay ang nasabing proyekto bilang paghahanda sa tag-ulan. Ito ay hindi lamang para mapataas ang ani ng mga magsasaka kung hindi mapataas din ang produksyon ng palay/bigas sa buong lalawigan. Nakasama nina Cong. Gila at Mayor Tong Santos sina Engr. Joey Dizon ng Provincial Agriculture Office, National Irrigation Administration Region III, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

The post Cong. Gila dumalo sa Rice Pilot Project inter-agency meeting appeared first on 1Bataan.

Previous Korean firm commits P3.9B investment in Bataan Freeport

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.