Bilang pagkilala sa husay at dedikasyon ni Congresswoman Gila Garcia sa pagsusulong ng nga programa sa Agrikultura, siya ang naging Pangunahing Tagapagsalita sa ginanap na Gabi ng Pagkilala: 37 Taong Matagumpay na Serbisyong Ekstensyon sa Central Luzon na ginanap sa ATI- RTC III grounds sa Brgy. San Ramon.
Ayon kay Cong. Gila Garcia ang gawaing ito na paglulunsad ng DA-ATI Unified Extension System (UnExSys) ay idinisenyo upang tumulong sa epektibong pamamahala ng mga datos para sa profiling ng mga agricultural extension workers sa bansa.
Dagdag pa ng masipag na kinatawan, layunin din ng pagdiriwang na itaguyod at mapaunlad ang pagkakaisa sa mga extensionists, agriculture and fishery extension stakeholders sa buong Central Luzon.
Kabilang sa mga nakasama ni Cong Gila sa nasabing programa sina ATI-RTC III Center Director Veronica Concepcion- Esguerra, Dinalupihan SB Pam Muli-Sandoval bilang kinatawan ni Mayor Tong Santos, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Dr. Wilfredo Cruz, Phil. Carabao Center Director Dr. Ericson dela Cruz.
The post Cong. Gila Garcia pangunahing tagapagsalita sa DA Gabi ng Pagkilala appeared first on 1Bataan.