Cong. Gila Garcia, “the Living Fertilizer “

Philippine Standard Time:

Cong. Gila Garcia, “the Living Fertilizer “

Ito ang naging bansag kay Cong. Gila Garcia dahil sa kanyang pagmamalasakit at dedikasyon sa kalagayan ng mga magsasaka, upang matulungan sila na mapaunlad pa ang kanilang ani, simula pa nong siya ay Mayor ng Dinalupihan hanggang sa ngayon na siya ay Kinatawan na ng ikatlong distrito ng lalawigan.

Kung noon ay talagang marami na ang humanga sa kanyang drip irrigation o fertigation, lalo’t higit sa ngayon sa pagdating sa lalawigan kamakailan ni DA Sec. Francisco Laurel Tiu Jr, at maipakita niya ang high value crops ng 1Bataan farmers gamit ang precision farming – drip irrigation o ang Israel Smart Agriculture Technology.

Talagang humanga si Sec. Laurel Tiu sa nasabing programa ni Cong. Gila na teknolohiya na naghahatid ng sapat na tubig, pataba at sustansya sa lupa direkta sa root zone ng halaman. Ipinaliwanag din niya ang tungkol sa soil laboratoy na higit umanong makapagbibigay ng tamang kaalaman sa mga magsasaka, kung kaya’t hindi napigilan ni Sec Laurel Tiu na sabihin sa kanyang mensahe na nais umano niyang gawing template ito para gayahin ng lahat ng magsasaka sa bansa.

Gayundin sa tuwa ni DA Sec laurel, ay sinabing maglalaan umano siya ng pondo para magkaroon ng kauna unahang soil laboratory sa bansa na sa Bataan ilalagay. Anupa’t sa lahat ng kapakinabangang ito para sa mga magsasaka na ginagawa ni Cong Gila ay hindi kataka takang tawagin siya ngayong “the Living Fertilizer” ayon kay Gov. Joet Garcia dahil siya ang nakikitang hero sa ngayon ng ating mga farmers.

The post Cong. Gila Garcia, “the Living Fertilizer “ appeared first on 1Bataan.

Previous Women empowerment, tema ng anibersayo ng KABISIGKA

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.