Sampung taon na ang nakalilipas, ay talaga umanong may plano na sa isa’t kalahating ektaryang lupain sa tabi ng Bataan Tourism Center. Ayon kay Cong Joet Garcia, vision ng kanyang ina na si Mam Vicky Garcia, Chairperson ng Bataan Tourism Foundation na gawing garden o parke ang nasabing luygar upang mabigyan ng open green space ang ating mga kababayan, kung saan ang mga senior citizens ay makapag rerelax at magkakaroon din ng playground para sa mga bata.
Bukod sa nature tripping ay napakasarap ding maglakad sa kabuuan ng parke dahil sa rubberized na daan. Ang materyales na ginamit ay ang inilalagay sa mga track and field oval kaya magaan sa tuhod. Isa rin itong wellness center, na lalagyan ng mga outdoor exercise equipment.
Binanggit din ni Cong Joet ang amphitheater na dahil ang nasabing parke ay katabi lang ng Bataan National High School hindi umano malayo na gawin dito ang ilang seminars lalo’t tungkol sa environment at kalikasan.
Ksama din sa balak na ang isang bahagi ng parke, ay ilaan para sa mga artworks Bataan artists at maaaring patayuan ng isang pavillon na pwedeng pagdausan ng mga events or exhibits at showcase ng ibang bayan.
The post Cong Joet, ipinagmalaki ang Bataan Tourism Park appeared first on 1Bataan.