Kilala si Cong Jett Nisay bilang isang masugid na nagtataguyod ng Smoke-Free City o Tobacco- Free Generation (TFG), simula pa noong siya ay punong barangay ng Cupang Proper, Konsehal ng Lungsod ng Balanga hanggang ngayong Kinatawan na ng Pusong Pinoy Partylist.
Sa idinaos na selebrasyon ng World No Tobacco Day nitong nakaraang Huwebes sa Bataan People’s Center, ay ipinakita niya ang naging paglalakbay nila ni noon ay City Mayor at ngayon ay Gov Joet Garcia, ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, mula taong 2000, na pagkakatatag ng Smoke-Free City, kung saan ang lahat ng batang ipinanganak simula sa taong ito ay hindi na hahayaang manigarilyo; taong 2008 nang itatag ang University Town Ordinance; taong 2009 -Launching of Teaming Up Smoke -Free Balanga City; taong 2010- ang Comprehensive Smoke-Free Ordinance, kung saan ay nagkaroon din ng Amended Ordinance on Collected Fines; taong 2013- Ban on E- Cigarette; taong 2015- Launching ng Tobacco-Free Generation; taong 2016- Tobacco Endgame Strategy Ordinance kasabay din nito ang Health Promotion Ordinance, Expansion ng University Town gayundin ang New ( Codified) Comprehensive Tobacco and Nicotine Regulations.
Hanggang sa ngayon ay nakatuon pa rin siya sa vision ng Balanga City para sa mga kabataan, “Transforming Future Generations”, sa pagkakaroon ng aktibo at malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pag-iwas sa masasamang bisyo kasama na ang paninigarilyo at paggamit vape.
The post Cong. Nisay, patuloy sa pagtataguyod ng TFG appeared first on 1Bataan.