“Coop Appreciation Seminar” para sa mga kababaihan ng Sumalo

Philippine Standard Time:

“Coop Appreciation Seminar” para sa mga kababaihan ng Sumalo

Hindi naging handlang ang masamang panahon nitong nakaraang linggo sa pagdaraos ng Coop Appreciation Seminar ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office ( PCEDO) na layong makatulong sa mga kababaihan ng Brgy. Sumalo upang makabuo ng kooperatiba na susi sa ibayong kaunlaran ng kanilang komunidad.

Sa malinaw na paliwanag ni Bb. Aliw Jose ay naunawaan ng mga kababaihan na ang kooperatiba, ay isang, “malayang asosasyon ng mga tao o grupo tulad ng mga kababaihan na boluntaryong nagkaisa na magsama-sama sa iisang layunin na umunlad ang kanilang kabuhayan, samahan, mga pangangailangan at maging aspirasyon sa buhay.

Ito ay people-centered enterprise na pag aari nila, na sila mismo ang mamamahala sa nais nilang maging proyekto para sa kapakinabangan ng lahat gayundin pag-unlad ng komunidad.

“Coop Appreciation Seminar” para sa mga kababaihan ng Sumalo

“Coop Appreciation Seminar” para sa mga kababaihan ng Sumalo

Kasunod nito ang seminar ng DTI na “how to start a small business” sa mahusay na pagtalakay ni Bb. Teresita Magtanong.

Gayon na lamang ang pasasalamat ni Ms. Angela Litton-Falcon, Estate and Community Development Manager ng RiverForest Development Corporation (RDC) dahil nagigising na sa pag-unlad ang kanilang mga kababaihan sa magandang idinudulot ng kanilang mga livelihood trainings.

Ayon pa kay Bb. Chricel Sacdalan- Bartolome, Administrative Officer ng RDC, nakahanda silang suportahan ang mga kababaihan sa kanilang mga proyekto hanggang sa umangat ang kanilang kabuhayan.

Dagdag pa ni Bb. Litton-Falcon, hindi lamang mga kababaihan ang nais nilang

ihanda sa Brgy. Sumalo, kundi lahat ng mamamayan na nais matuto para sa inaasahang pag-unlad ng kanilang lugar kapag sinimulan na ang proyektong Township project ng mga Litton.

The post “Coop Appreciation Seminar” para sa mga kababaihan ng Sumalo appeared first on 1Bataan.

Previous Collonade at the Capitol to transform Bataan’s infrastructure

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.