Crimes against women and children sa Central Luzon, bumaba

Philippine Standard Time:

Crimes against women and children sa Central Luzon, bumaba

Bumaba nang 10.96% ang crime against women and children sa Central Luzon mula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.

Ito ang iniulat ni Central Luzon Police Regional Director, Police Brig. Gen. Matthew Baccay kung saan naitala ang 736 incidents kumpara noong nakaraang taon ng kaparehong period ay 867 naman ang naitalang kaso ng mga krimen na ang mga naging biktima ay pawang kababaihan at mga bata.

Ayon pa kay Brig.Gen. Baccay ang makabuluhang pagbaba ng mga krimen laban sa mga kababaihan at mga bata ay maaaring maiugnay sa pag-level up aniya ng kapulisan ng rehiyon ng mga hakbang laban sa kriminalidad na gumagamit ng social media bilang isa sa mga platforms pati na rin ang mga pagsisikap nila na mapabuti ang community relation efforts.

Dagdag pa ng opisyal, magpapatuloy pa rin ang pinaigting na pagsasagawa ng mga operasyon laban sa lahat ng uri ng kriminalidad maging ang iligal na droga at hindi aniya sila susuko sa labang ito upang makamit ang layunin ng gobyerno na makamit ang drug-free Philippines at magkaroon ng mas ligtas na tirahan at trabaho.

The post Crimes against women and children sa Central Luzon, bumaba appeared first on 1Bataan.

Previous PGB bares Environment Day celebration activities

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.