Kinumpirma ngayon ni DOLE Regional Director Geraldine Panlilio, sa katatapos na deliberasyon para sa umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa Central Luzon, na 40 piso ang napagkasunduan ng Regional Wage Board na idagdag sa sahod ng mga manggagawa sa Rehiyon 3.
Ayon sa opisyal, 30 piso dito ang ipatutupad 15 araw, matapos na ito ay mailathala habang ang natitirang 10 piso naman ay sa Enero 2023 pa magiging epektibo.
Sa kasalukuyan ay nasa P395 hanggang P420 ang minimum wage sa 6 na lalawigan ng Central Luzon (Bulacan, Bataan, Zambales, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija) habang sa lalawigan ng Aurora ay nasa P304 hanggang P369 lamang.
The post Dagdag na 40 piso sa minimum wage, aprubado na! appeared first on 1Bataan.