Sa isang panayam kay Bagac Mayor Ramil del Rosario, dalawang naglalakihang hotel at resort ang sa ngayon ay itinatayo sa kanilang bayan; ang Arcadia sa Brgy. Saysain at ang Namin Resort sa Brgy. Paysawan.
Batay sa disenyo ng Arcadia ito ay isang “high end” hotel and resort na kumpleto sa lahat ng amenities dahil ang nais umano ng may-ari ay maging isa itong modernong bakasyunan na tila baga, “home away from home”. Samantalang ang Namin Resort ay pang-recreation subalit magkakaroon ito ng sariling runway na pwedeng mag-landing ang mga light aircraft tulad ng sa Balesin island.
Naniniwala si Mayor Ramil del Rosario na talagang di na mapipigilan ang progreso sa kanilang bayan, bukod sa magagandang tourist attractions, hotels at resorts gaya ng Las Casas, Rancho Bernardo at La Jolla, ay narito rin ang School for the Arts na proyekto ni dating Congressman na ngayon ay Governor. Joet Garcia, gayundin ang Phil. Sports Training Center.
The post Dalawang resorts, itinatayo sa Bagac appeared first on 1Bataan.