Naging matagumpay ang ginanap na “Dance for Cause” ng Apostolada ng mga Migrante Sa Diyosesis ng Balanga (DAMBANA) na ginanap sa Crown Royale Hotel na dinaluhan ng mga ballroom dancing enthusiasts bilang pagpupuri sa ating nga migrant workers o mga OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga pamilya.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Fr. Antonio Germano, Diocesan Spritual Director Ministry on Migrants, na ang Dance for a Cause ay naglalayong makapagbigay ng pinansyal na suporta sa mga plano at programa ng Apostolada lalo na sa mga nangangailang miyembro ng pamilya ng ating mga manggagawa sa ibang bansa.
Samantala, ayon naman sa Diocesan Coordinator, Ministry on Migrants na si Bro. Cosme de Guzman, hindi nila inakala na dadagsain ng napakaraming tao ang nasabing ballroom dancing, na lalong pinasigla ng mga simpleng contests tulad ng, “face of the night”, best dressed of the night at couple of the night” kung kaya’t maging ang mga paring sina Fr. Antonio Germano at Fr. Joel Raymundo ay talagang nakisali sa mga sayawan. Nagpasalamat naman si Josie Tolentino, isa sa mga opisyal ng Migrant Ministry sa lahat ng nagkaloob sa kanila ng tulong na naging dahilan para ang “isang kembot sa tagumpay ng kanilang programa ay maisakatuparan.
The post “Dance for a Cause” ng Migrant Ministry appeared first on 1Bataan.