Day Care pupils sa Hermosa, tumanggap ng libreng gamit pang-eskwela

Philippine Standard Time:

Day Care pupils sa Hermosa, tumanggap ng libreng gamit pang-eskwela

Personal na dinalaw ni Hermosa Mayor Anne Inton ang mga daycare centers sa Barangay Sacrifice Valley, Bamban, at Almacen noong Hulyo 11, 2025 upang mamahagi ng mga gamit pang-eskwela at kaunting pagkain sa mga mag-aaral at guro.

Ang gawaing ito ay bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa nalalapit na balik-eskwela, bilang suporta sa edukasyon ng kabataang Hermoseño.

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Inton kina Municipal Executive Assistant Luz Samaniego, MSWDO Officer Chasmalin Francisco, at ECCD Focal Person Jeniline Lapid sa kanilang aktibong pakikiisa sa programa. Ayon sa alkalde, sa tulong ng pagkakaisa at malasakit ng bawat isa, mas higit pang mapapalakas ang kampanya para sa dekalidad at makabuluhang edukasyon sa bayan ng Hermosa.

The post Day Care pupils sa Hermosa, tumanggap ng libreng gamit pang-eskwela appeared first on 1Bataan.

Previous Libreng school bags, ipinamahagi sa Mariveles

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.