Para sa pagpapabuti ng tubig sa Manila Bay, nagpakawala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 8,000 bokashi balls sa Ibayo River sa Lungsod ng Balanga.
Ang nasabing gawain na dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaan at mga tauhan mula sa SM City Bataan, ay naglalayong maibalik ang kalinisan ng tubig sa Manila Bay. Ayon kay DENR Regional Executive Director Ralph Pablo, ang bokashi balls, na kilala rin bilang ‘Mabuhay balls,’ ay nagsisilbing probiotics para sa ilog. “Ang mga mud balls na ito ay naglalaman ng aktibong mikroorganismo na nagpapababa ng mga lason sa tubig, nagpapataas ng dami ng natutunaw na oxygen, at nagpapababa ng fecal coliform bacteria,” kanyang paliwanag.
Dagdag pa rito, iniulat ni Raul Mamac, pinuno ng DENR Provincial Environment and Natural Resources Office sa Bataan, na nagsagawa rin ang mga kalahok ng coastal cleanup sa Barangay Puerto Rivas, kung saan nakalikom sila ng 110 kilo ng residual waste.
Binigyang-diin ni Pablo na ang cleanup activity ay nagpapakita ng dedikasyon ng ahensya sa mabilisang pag-restore ng kalikasan. “Bilang mga tagapangalaga ng ating kapaligiran, tayo rin ay mga arkitekto ng isang sustainable na kinabukasan. Nasa atin ang tungkulin na yakapin ang mga makabagong solusyon at turuan at bigyang-kapangyarihan ang ating mga komunidad na kumilos,” dagdag niya.
Ang mga inisyatibang ito ay kaakibat ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month tuwing Hunyo, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 237 na nilagdaan noong 1988 ni dating Pangulong Corazon C. Aquino, at ng World Environment Day na ginugunita tuwing Hunyo 5.
The post DENR nagpakawala ng 8,000 ‘bokashi balls’ appeared first on 1Bataan.