Magkasabay na idinaos ng mga bayan ng Dinalupihan at Samal ang pagsisindi ng kanilang mga Christmas lights nitong nakaraang Biyernes ng gabi.
Sa kanyang mensahe inialay ni Mayor Gila Garcia ang simpleng lighting ceremony sa mga frontliners at sa lahat umano ng nagsakripisyo sa panahon ng pandemya, marami ang nagsarang negosyo, maraming kaanak ang nagkasakit at mga kapamilyang hindi na natin kapiling sa ngayon.
Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Cong Joet na binigyan tayo ng pagkakataon na masaksihan sa ating plaza ang Christmas lighting, na kung saan ay matagal ding panahon na tayo ay nasa kadiliman ngunit sa ngayon ay nakaka-recover na.
Dagdag pa ni Cong Joet, patuloy ang pagbaba ng bilang ng COVID cases na resulta ng ating pagtutulungan lalo na sa kampanya sa pagbabakuna, at dahil dito tayo ngayon ay magdidiwang ng Pasko na maayos kasama ang ating pamilya.
Samantala sa bayan ng Samal, natuwa si Mayor Aida Macalinao na sa diwa ng Pasko ay nabuo at nagkasama-sama ang kanilang sangguniang bayan members sa pamumuno ni Vice Mayor Jun Espino.
Mula sa iba’t ibang ilaw sa bayan ng Dinalupihan ay masigabong fireworks naman ang ipinakita sa bayan ng Samal na sinaksihan ng mga mamamayan dahil nasabik sa ganitong pailaw sa Pasko.
The post Dinalupihan at Samal, sabay na nagsindi ng mga Christmas lights appeared first on 1Bataan.