Pinangunahan ni Mayor Gila Garcia at iba pang opisyal nitong nakaraang Miyerkoles ang pagpapasinaya sa kauna-unahang Dairy Box Center and Store, isang milk processing center and store na ipinuwesto nila sa mismong common terminal complex, bgy San Ramon ng nasabing bayan.
Sa kanyang mensahe sinabi ng masipag na Mayora na ang nasabing proyekto ay isa na namang hakbang tungo sa katuparan ng kanilang vision na gawin ang bayan ng Dinalupihan na isang modernong “agropolis”. Hinakayat niya ang lahat na tangkilikin ang ating sariling produkto na talaga umanong nasarapan siya nang tikman nya ang fresh milk.
Ang nasabing proyekto ay mula umano sa inisyatibo ni Senator Cynthia Villar, katiwang ang lokal na pamahalaan ng Dinalupihan, Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Provincial Veterinary Office at ang Makabagong Agrikultura ng Dinalupihan Marketing Cooperative.
Ilan sa mga produktong mabibili sa nasabing Dairy Box ay fresh buffalo milk, yogurt mik, milk coffee, kesong puti, milky buns, pastillas de leche, at tapang kalabaw.
Sa video message na ipinadala ni Sen. Cynthia Villar ay binati niya ang nasabing grupo at naniniwala umano siya na magtatagumpay sila sa pamamagitan ng sipag, tiyaga at pagkakaisa.
The post Dinalupihan Dairy Box, bukas na! appeared first on 1Bataan.