Dinalupihan, gagawing “food basket” ng ikatlong distrito

Philippine Standard Time:

Dinalupihan, gagawing “food basket” ng ikatlong distrito

Sa nakaraang pulong ng mga alkalde sa ikatlong distrito ng Bataan na inisyatibo ni Cong. Gila Garcia, malinaw sa kanilang lahat ang “road map” o landas na kanilang tatahakin tungo sa pag-unlad.

Sinabi ni Mayor AJ Concepcion na ang Mariveles ang magiging industrial arm sa ikatlong distrito dahil naririto ang Freeport Area of Bataan, ang mga bayan naman ng Bagac at Morong ang magiging sentro ng turismo, pahayag nina Mayor Ramil del Rosario at Mayor Cynthia Estanislao. Ayon pa kay Mayor Ramil, dalawang “high end” resorts ang kasalukuyang itinatayo sa kanilang bayan.

Ayon naman kay Mayor Tong Santos ng Dinalupihan, ang kanilang bayan ang magiging food basket, na magsu-supply ng mga pagkain sa bawat bayan, dahil itutuloy niya ang kanilang vision na magig “agropolis” gayundin palalawakin pa niya ang sinimulan ni Cong Gila Garcia na, drip irrigation, na naging malaking tagumpay na gulayan ng bayan kung kaya’ t kakailanganin niya ang mga farm to market roads para sa mga magsasaka.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Cong. Gila Garcia na mahalaga umano ang kanilang inisyal na pulong para malaman niya ang mga nais na proyekto ng mga punong bayan at mula dito ay pag- aaralan naman niya ang mga suplementong mga proyekto para sa lalo pang ikauunlad ng mga nasabing bayan.

Dagdag pa ng masipag na kinatawan na ayaw niyang may maiiwan sa pag-unlad sa mga bayang kanyang nasasakupan.

Kasama rin sa pulong si Arch. Henry Mayuga, na nagsabing malaking potensyal sa ekonomiya ang turismo dahil malaking pera ang iniaakyat nito sa kaban ng bayan, kung kaya’t pag-aaralan din umano nila ang mga imprastrakturang kakailanganin dito.

Magkakaroon pa umano sila ng one-on-one discussion ayon kay Cong Gila Garcia para lalo pa umanong ma-detalye ang mga nabanggit sa pulong.

Ang lahat ay nagpahayag ng pagkakaisa tungo sa mga proyektong pangkaunlaran para sa isang malakas at malusog na ekonomiya ng ikatlong distrito.

The post Dinalupihan, gagawing “food basket” ng ikatlong distrito appeared first on 1Bataan.

Previous Mayor Tagle promotes Abucay town

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.