Tiwala ang mga Dinalupeños sa kakayahan ni Mayor German “Tong” Santos kung kaya’t alam nilang nasa mabuting kamay ang kanilang bayan.
Sinabi ng dating konsehal ng Dinalupihan na dati ring pangulo ng Association of Barangay Chairmen (ABC) na ipagpapatuloy niya ang mga programang naumpisahan na ni dating mayor Gila Garcia.
Si Garcia ay nahalal bilang kauna-unahang congresswoman ng Third District ng Bataan na nakasasakop sa mga bayan ng Dinalupihan, Morong, Bagac at Mariveles.
Ayon kay Mayor Santos, bibigyan niya ng prayoridad ang programa sa agrikultura na sa ngayon ay umaani ng papuri dahil sa tagumpay nito.
Ang Dinalupihan sa ngayon ay isa nang pangunahing supplier ng gulay sa Gitnang Luzon. Kabilang pa rin sa bibigyan ng pansin ni Santos ay ang problema sa larangan ng kalusugan, unemployment, edukasyon at kapaligiran.
The post Dinalupihan nasa mabuting kamay appeared first on 1Bataan.