Lubhang kailangan ang pagkakaisa at mahusay na pagtugon at paghahanda sa mga sakuna at hamon ng kalikasan. Ito ang tema ng isinagawang ika-4 na “Nationwide and Simultaneous Earthquake Drill” kamakailan sa Abucay, Bataan.
Kasama sa naturang drill ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Rural Health Unit, PNP, BFP, Kalipi, React, DSWD R3, PWD, Marshalls at Barangay Health Workers.
Sinabi ni Abucay Mayor Robin Tagle na ang sama-samang pagsasanay ay naglalayong lalong mapahusay ang kakayahan ng bawat miyembro o ahensya para lubos na maihanda ang kanilang sarili sa mga oras ng kalamidad. “Ito ay magpapakita o magsasalarawan ng diwa ng pagkakaisa sa pagtupad ng kani-kanilang tungkulin sa sandali ng pangangailangan sa mga barangay,” dagdag pa ni Mayor Tagle.
The post Diwa ng pagkakaisa sa panahon ng kalamidad appeared first on 1Bataan.