Kailangang-kailangan ng bansang Pilipinas ang maraming doktor at nurses, ayon kay Sen. Joel Villanueva na bumisita kamakailan sa Bataan.
Sinabi ng senador na nasa 290 munisipalidad sa buong bansa ang wala man lamang duktor at mga narses na dapat umaasikaso sa mga residenteng nagkakasakit.
Dahil dito, naisip ni Villanueva na dapat magkaroon ng medical school sa Bataan. Kamakailan ay bumisita si Villanueva sa Bataan Peninsula State University para alamin ang pasilidad nito na pagtatayuan ng medical school.
Labis namang nagpasalamat ang mga opisyal ng Bataan sa pangunguna ni Bataan Gov. Abet Garcia sa mga naitulong ni Villanueva sa probinsiya na itinuturing ng senador na pangalawa niyang probinsiya dahil ang kanyang may-bahay ay taga-Dinalupihan.
The post Doktor, kailangan natin- Villanueva appeared first on 1Bataan.