DOLE bumisita sa Pilar

Philippine Standard Time:

DOLE bumisita sa Pilar

Naging kakaiba at pabor sa mga manggagawa ang pagdiriwang ng Labor Day sa bayan ng Pilar sa pagbisita doon ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Provincial Director Leilani Reynoso na may koordinasyon sa Pilar Municipal Public Employment Service Office sa kanilang isinagawang Technical and Advisory Visit (TAVI) sa mga empleyado.

Sa mensahe ni Vice Mayor Ces Garcia, sinabi niyang malaking tulong para sa kanilang lahat lalo na sa mga empleyado na matutong maging productive ang mga emleyado, mahasa sa workforce at behavior employment level at maging mahusay na teamplayer para makibahagi sa kabuuang tagumpay ng grupo sa pagbibigay ng serbisyo.

Ayon pa kay Vice Mayor Garcia, higit nilang nalinawan ang karapatan ng mga manggagawa tulad ng tamang minimum wage, overtime pay, karapatan sa safe and healthy condition at iba pa, ngunit ang lahat ng ito ay may kaakibat na responsibilidad at obligasyon mula sa mga empleyado.

Samantala ipinaliwanag naman ni DOLE Prov’l. Director Leilani Reynoso ang General Labor Standard, ang “legally mandated benefits required to be given to the employees by the employer, in some cases by the government” tulad ng bonus and retention plan, working hours at iba pa. Naging masigla ang talakayan lalo na sa mga tanong hinggil sa labor laws gayundin mga paglilinaw ng mga empleyado sa kanilang trabaho na nasagot namang lahat ng DOLE.

The post DOLE bumisita sa Pilar appeared first on 1Bataan.

Previous Bringing services closer to the people

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.