Patuloy ang pagdagsa ng mga investors sa Bataan na nagnanais mamuhunan dito dahil sa anila ay masiglang economic policies na umiiral bukod pa sa maayos na peace and order situation sa buong Probinsya.
Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), pinakabagong nagpahayag ng kanilang interes sa pamumuhunan ay ang Federation of Philippine American Chamber of Commerce (FPACC) kasama ang may 40 mga delegado mula sa Estados Unidos bilang bahagi ng isinasagawang trade mission sa bansa.
Sa naturang trade mission ipinakita sa mga ito ni AFAB Administrator Engr. Emmanuel Pineda ang sistema ng pamumuhunan sa Bataan at sa FAB na inaasahang magbubukas din ng karagdagang libu-libong trabaho para sa probinsya.
Kabilang sa mga nakibahagi sa naturang trade mission sina AFAB Board Director Aurelio “Joey” C. Angeles, Jr., Deputy Administrator for Operations Alewijn Aidan K. Ong, at Deputy Administrator for Support Services Ma. Lourdes L. Herrera, gayundin sina Bataan Governor Joet Garcia, Vice Governor Cris Garcia, at Provincial Tourism Department Head Alice Pizarro.
The post Domestic at foreign investors, patuloy ang pagdagsa sa Bataan appeared first on 1Bataan.