Door-to-door na regalo sa Abucay

Philippine Standard Time:

Door-to-door na regalo sa Abucay

Kung laging sinasabi na ang Pasko ay para sa mga bata, sa bayan ng Abucay, inunang ihatid sa mga tahanan ng mga senior citizens na umabot sa edad na 80 at 90 ngayong Disyembre ang mga regalo ni Mayor Robin Tagle. na tig 10k at 20k piso.

Sinabi ni Mayor Tagle na nabagbag ang kanyang damdamin nangg makaharap niya ang mga lolo at lola, na kapag iniaabot na niya ang mga pamaskong pera, ay may umiiyak at hindi makapaniwala na mismong Mayor pa nila ang nagdala nito sa kanila. Mayroon namang ibinabalik ang kalahati kay Mayor Tagle dahil ang dami naman daw samantalang may isa namang nagsabi na ibigay naman daw sa iba para makatulong pa.

Kasama ni Mayor Tagle sina Konsehal Soriano, Punong Barangay Precy Cordova, MSWDO Roselle Cabrera at Kinatawan ng Treasurer’s Office na inikot ang buong bayan ng Abucay para personal na maiabot sa 16 na senior citizens ang nasabing regalo.

The post Door-to-door na regalo sa Abucay appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan joins 18-day campaign to end violence against women

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.