Tinipon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga stakeholders ng Bataan-Cavite Interlink Bridge Project. Ang unang pagpupulong ng inter-agency committee ay nagbigay ng pagkakataon sa mga lokal na opisyal ng Bataan at Cavite, kasama ang iba pang stakeholders para ilahad ang kanilang mga alalahanin, ideya at iba pang katanungan tungkol sa detailed engineering design (DED) na nasa 34 porsiyento na batay sa progress report noong Pebrero 2022.
Pinangunahan ni DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office Operations na si Emil Sadain, ang interagency committee na nilikha noong 2021 sa ilalim ng Department Order No. 91 upang matiyak ang mahusay na pagpapatupad ng proyekto at magbigay ng patnubay at lutasin ang mga isyu/mga hadlang na maaaring lumabas sa mga aktibidad ng DED. Nagpahayag ng kumpiyansa si DPWH Secretary Roger Mercado na ang proyektong ito ay itutuloy ng susunod na administrasyon.
Sinabi naman ni Bataan Governor Albert Garcia na ang proyekto ay hindi lamang mag-uugnay sa Bataan sa Cavite kundi mag-uugnay din sa Rehiyon 3 sa Rehiyon 4A at samakatuwid ay magkokonekta sa National Capital Region, tatlo sa pinakamabilis na lumalagong rehiyon sa Pilipinas.
Bukod dito, sinabi ng kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bataan na si Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III na ang connectivity project na ito ay matagal nang pangarap ng mga mamamayan ng Bataan at malapit nang matupad ang pagpapatupad nito.
The post DPWH, nakipag-ugnayan sa mga stakeholders ng Bataan-Cavite Interlink Bridge Project appeared first on 1Bataan.