Ito ang siniguro ni Mayor Robin Tagle matapos pasinayaan ang kanilang modernong Abucay Dialysis Center.
Sa kanyang mensahe inilahad ni Mayor Tagle ang pinagdaanang hirap ng kanyang pamilya noong ipinada-dialysis nila ang kanyang ama na kailangang pang dalhin sa Maynila, dalawang beses isang linggo sa kasagsagan ng pagputok ng Mt. Pinatubo.
Kung kaya’t naipangako niya sa kanyang sarili na kapag nabigyan siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa gobyerno, ito ang gagawin niyang priority project.
At siniguro niya sa kanyang mga kababayan na bibigyan niya ng lunas upang madugtungan ang kanilang buhay kung kaya’t tinawag niya ang serbisyo na, ” Dugtong-buhay para sa mga taga Abucay.”
Sa kanyang mensahe, sinabi ng panauhing pandangal na si Vice Gov. Cris Garcia na huwag na sanang madagdagan pa ang mga pasyente ng dialysis center, na sana ay maging malusog at malakas tayo para hindi natin abutin pa ang ganyang mga sakit na kinakailangang mag-dialysis.
Ang ating dialysis center, ayon pa kay Vice Gov Cris ay inilalaan sa mga pasyente upang maging maalwan at mabawasan ang gastos sa kanilang pagda-dialysis.
Bumati rin at nagbigay ng mensahe sina Board Member, Atty Jomar Gaza, Board Member Atty Tonyboy Roman at Konsehal Tikboy Soriano ng SB Abucay.
The post Dugtong-buhay para sa mga taga-Abucay appeared first on 1Bataan.