Noong nakaraang Martes ay ipinrisinta ni Gob. Joet Garcia sa publiko ang anim (6) na electric vehicles, kasabay ng pagbabasbas ng mga ito ni Fr. Noel Nuguid sa harap ng Bataan People’s Center.
Matapos ang pagbabasbas ay ang turn over ng mga nasabing sasakyan sa mga opisyal ng Metro Bataan Development Authority (MBDA) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na sinaksihan ng mga Punong-bayan ng iba’t-ibang munisipalidad sa Bataan. Tatlo sa mga nasabing sasakyan ay binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan habang ang tatlo ay donasyon mula sa pribadong sektor.
Ayon kay Gob. Joet ang paggamit ng mga E-vehicles ay isa sa kanyang mga iniulat sa Project TRANSFORM, na E- Mobility for Sustainability kung saan ang Bataan ay naging Pilot-LGU ng DENR. Dagdag pa niya, ang paggamit ng mga E-vehicles ay pagpapakita natin ng pagpapahalaga sa kalikasan dahil bukod sa makatitipid dahil ito ay pinatatakbo gamit ang koryente sa halip na gasolina, ay makababawas ito ng polusyon.
The post E-vehicles sa Bataan appeared first on 1Bataan.