Kasabay ng pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng Covid-19 sa bansa ay ang unti-unting pagbangon ng ekonomiya hindi lamang sa Bataan kundi sa buong bansa.
Ito ang pahayag ni Nelin Ocson Cabahug, director ng Department of Trade and Industry (DTI)-Bataan, sa panayam matapos ang pagbubukas ng ika-13 Negosyo Center sa lalawigan sa ikalawang palapag ng The Bunker sa Kapitolyo.
Sinabi ni Cabahug na marami nang negosyo ang nagbukas kasabay ng bahagyang pagluwag sa health protocols sa buong bansa. Sa ngayon, kabilang ang Bataan sa mga nasa Alert Level 2.
Sinabi ni Bataan Gov. Abet Garcia na malaking bagay ang nagagawa ng mga Negosyo Center sa lalawigan sapagkat sila ang nagbibigay sigla at nanghihikayat sa mga namumuhunan na magtayo ng negosyo dito.
Binati naman ni Zena Sugatain, Provincial Cooperative and Enterprise Development officer, ang mga kooperatiba dahil sa kanilang maunlad na negosyo.
The post Ekonomiya unti-unting umaangat muli- DTI appeared first on 1Bataan.