Election protest, ibinasura ng Korte

Philippine Standard Time:

Election protest, ibinasura ng Korte

Ibinasura ng Regional Trial Court Branch 95 ang election protest na isinampa ng natalong mayoralty candidate na si outgoing Mariveles Mayor Jocelyn Castaneda laban kay Atty. Ace Jello “Kuya AJ” Concepcion na siyang incoming Mayor ng Mariveles.

Nakasaad sa pitong pahinang Dismissal Order mula sa MTC Br. 95, na “insufficient” o kulang ang mga alegasyon sa detalye at ebidensya ng mga tiyak at direktang gawain o aksyon na magtutukoy sa sinasabi nilang dayaan, anomalya o iregularidad noong nagdaang eleksyon.

Nabanggit din ang ilang desisyon ng Korte Suprema upang pagtibayin na ang ganitong klase ng protesta ay walang basehan, tulad ng: “Bare claims if “glitches”, strange voting patterns, and discrepancies in the audit, without more, were found to be hollow accusations by a losing candidate unable to come to terms with defeat” o ang hindi pag move on sa naranasang pagkatalo sa eleksyon.

Ayon kay incoming Mayor AJ Concepcion, siya ay opisyal nang naiproklama na bagong halal na Mayor ng Bayan ng Mariveles noong ika-10 ng Mayo, subalit hindi pa rin umano tumitigil ang mga paninira sa kanya ng outgoing mayor na nagviral sa mga social media sites at news reports noong panahon ng kampanya dahil sa ginawa nitong mga napaulat na pangha-harrass sa mga supporters ng kanyang kalaban sa pulitika, cyber bullying at iba pang mga hindi tama o normal na gawain ng isang elected public official, bukod pa sa kinakaharap nitong kasong obstruction of justice kaugnay sa nangyaring murder case na tumapos sa buhay ng isa sa kanyang mga department heads.

Ayon pa kay Concepcion, siya ay maninindigan sa kanyang pagkapanalo at kahit na aniya may mga ganito mang balakid sa kanyang panunungkulan simula Hulyo a uno ay hindi siya matitinag at mananaig pa rin ang kanyang “pusong handang maglingkod sa kapwa.”

The post Election protest, ibinasura ng Korte appeared first on 1Bataan.

Previous Coffee processing facility sa Hermosa

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.