Ito ang naging over-all assessment ni PD Romell Velasco, Bataan PNP. Ayon sa kanya, ang kabuuang proseso ng halalan ay mapayapa at walang naitalang violent incident.
Ayon pa kay PD Velasco, may ilang insidente lang umano ang naganap tulad ng sagutan ng magka-alitang partido, lasing na nahuli sa loob ng polling center at alegasyon ng vote buying pero sa kabuuang pagtataya, ang naganap na eleksyon ay maayos at tahimik.
Sinabi rin ni PD Velasco, na nagkaroon ng VCM malfunction sa ilang presinto sa mga bayan ng Limay at Lungsod ng Balanga na kaagad namang nagawan ng paraan.
Pinasalamatan din ni Velasco ang mga puwersa ng Phil. Army, Coastguard, PNP SAF, at Marines para sa augmentation forces, na nagpokus umano sa mga yellow category o areas of concern tulad ng mga bayan ng Limay at Mariveles.
Subali’t hindi pa umano tapos ang kanilang trabaho dahil naka-standby pa sila sa canvassing at proclamation na kung saan ay naroon pa ang kanilang QRT o quick response team for any eventuality.
The post Eleksyon sa Bataan generally peaceful appeared first on 1Bataan.