Lalong naging makahulugan ang pagdaraos ng Linggo ng Kabataan sa bayan ng Dinalupihan nang magsama-sama ang mga kabataan mula sa mga grupo ng SK federation officers, local youth development council at mga aspiring SK leaders, sa tinawag nilang, eSKapade, a Journey Towards Progressive Youth Governance na, naka-angkla sa temang, Green skills for the youth.
Sa mensahe ng kanilang panauhing pandangal na si Congresswoman Gila Garcia, sinabi nitong layunin ng nasabing programa para sa mga kabataan na lumikha ng plataporma kapag sila’y nagsasama-sama, nagtitipon-tipon na may masiglang talakayan, kung saan ay makabubuo sila ng mga ideya para maging epektibong mga lider sa kani-kanilang komunidad.
Nakasama ni Cong. Gila sina Mayor Tong Santos, Pusong Pinoy Partylist Rep Jette Nisay, mga board members ng 3rd district, SK Federated President Precious Manuel, SB members ng bayan ng Dinalupihan at SK Pres. Aries Atencio ng Dinalupihan.The post eSKapade, a journey towards progressive youth governance appeared first on 1Bataan.