Sa dami ng mga kaso gayundin ang mga pagtatanong hinggil sa estate tax ay minabuti ng Bureau of Internal Revenue (BIR) RDO-20 sa pamumuno ni Atty Teng Estalila na matalakay ito sa isang programa sa radyo para mas maraming makapakinig at maliwanagan.
Naging panauhin sa programang Morning Connections nitong nakaraang Huwebes sina Zyrell Andrew Arcangel, Revenue Officer I; Danna Mae Quinquileria, Group Supervisor at Gemo Espinosa, Administrative Officer.
Ipinaliwanag nila na ang estate tax, ay buwis na babayaran upang maipasa ang kanyang ari-arian at pribilehiyo ng isang taong ipamigay ang kanyang ari-arian kapag siya ay pumanaw na.
Maraming mga dokumento ang kakailanganin kung kaya’t mas mabuti na umanong sa tanggapan ng BIR nila ito hingin para mas malinawan sila dahil pwede pang mag-avail ng Estate Tax Amnesty hanggang June 2025 ayon sa Republic Act no. 11956.
Maaaring ma avail ang Estate Tax Amnesty para sa mga namatay bago at mismong araw ng May 2022, samantalang para sa namatay ng 2017 pababa, ang halaga ng babayaran ay mas mababa sa 1M, ito ay exempted; para sa mga namatay ng 2018 pataas, na ang halaga ng babayaran ay hindi lalampas sa 5M, ito rin ay exempted sa pagbabayad, kapag ito ay nasakop ng amnesty ng May 2022.
Maaari ding bayaran nang paunti-unti ang estate tax amnesty ayon pa rin sa R.A.11956, na pwedeng i-file at bayaran ng executor o tagaoagmana saan mang pinakamalapit na BIR Office
The post Estate Tax Amnesty pinalawig hanggang June 2025 appeared first on 1Bataan.