“Kumpleto sa pasilidad at makabago ang disenyo mula sa pag-aaral ng Phil. Risks Reduction Management Office para sa buong Pilipinas”, ganito ang sinabi ni Mayor/Congresswoman-elect Gila Garcia sa katatapos na pasinaya ng evacuation center sa Bgy. Colo, sa bayan ng Dinalupihan.
Pinangunahan din ito ni Usec Ricardo B.Jalad, Administrator OCD and Executive Director NDRRMC, na mula pa sa isang tree-planting activity sa bayan ng Limay, nagsabing, marami na siyang nabisitang mga evacuation centers sa iba’t ibang lugar at so far, ito ang pinakamaganda at kumpleto sa pangangailangan ng mga tao at hopefully ay marami pang ganitong evacuation centers ang magawa na pwede ring gamitin sa iba pang mga aktibidad ng barangay o bayan ng Dinalupihan.
Ayon naman kay OIC PDRRMO Glency Diwa, ang pagkakaroon ng mga evacuation center ang isa sa patunay kung gaano kahanda ang mga liderato ng isang bayan sa pagharap sa anumang kalamidad.
Nagpasalamat si Mayor Gila sa mga national at regional officers ng OCD na talaga umanong kahit pagod na pagod ay dumalo pa rin sa pasinaya ng nasabing evacuation center.
Sinamantala na rin niya ang pagkakataon na pasalamatan ang lahat ng kanyang mga department heads, frontliners, rescue groups, punong barangay at iba pa niyang nakasama sa bayan ng Dinalupihan sa loob ng 9 na taon, na sumoporta at nakiisa kung kaya’t naging maayos ang kaniyang pamamahala sa nasabing bayan.
The post Evacuation center na, multi-purpose din appeared first on 1Bataan.