Sa kanyang mensahe para sa bagong taon, sinabi ni AFAB Administrator Emmanuel Pineda na, sa pagpasok ng 2022 ay kasabay nito ang panibagong lakas at pag-asa sa patuloy na paglaban sa mga hamon ng buhay lalo na ang laban sa pandemya.
Ayon pa kay Pineda, sa taong 2022, “lahat ay babawi, lahat tayo ay babangon, lahat tayo ay mananalo sa kanya-kanyang laban”.
Ipinagmalaki ni Pineda na isa ang FAB sa nangungunang investment agency na nagkaroon ng Business Continuity Plan, na ayon sa kanya ay napakahalaga dahil sa simula ng pandemya ay nakita natin na, kailangang siguruhin na magpapatuloy ang pamumuhunan sa FAB, dahil mawawalan nang saysay ang lahat ng pinaghirapan natin, na dapat ay magpatuloy ang progresso.
Sa nakaraang “AFAB Year-end Kapihan, binigyang diin nina Admin. Pineda at G. Pol Salapantan, na higit kailanman ang FAB ay higit na handa sa ngayon laban sa Covid.
Ayon kay G. Salapantan, natuto na tayo sa loob ng dalawang taon sa iba’t ibang sitwasyon ng Covid kung kaya’t ang lahat ng mga pangunahing pangangailang medikal gaya ng, kahandaan, quarantine facilities, accredited ambulance at staff, vaccination areas ay intact pa sa loob ng FAB.
Sa ngayon ang lalawigan ay mayroon nang herd immunity at sa FAB, 70 to 80% ng workforce ay fully vaccinated na.
The post FAB, mas handa ngayon laban sa Covid appeared first on 1Bataan.