Sa pag-ikot nina AFAB Chairman Pablo M. Gancayco at AFAB Administrator Emmanuel Pineda kasama ang mga district governors ng Rotary International District 3780 sa ilang kompanya sa loob ng FAB nagkaroon sila ng pagkakataon na ipakita ang kalagayan ng mga manggagawa gayundin ang operasyon ng mga kompanya sa FAB.
Namangha ang mga panauhin sa pagtaas ng produksyon ng FAB ng 63% mula noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya, habang ang bilang ng mga manggagawa na 37, 379 ay patuloy pang tumataas dahil na rin sa pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Matatandaang nagtulung-tulong ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) at mga stakeholders ng FAB gaya ng Essilor, GN Powers, Mitsumi sa pagsusulong ng mga inisyatibo upang labanan ang COVID-19 lalo na ang FABakuna center kung saan, talagang pinilit na mailapit sa mga manggagawa ang bakuna kontra COVID-19. Sa ngayon ay tatlo (3) na lamang ang kaso ng COVID-19. sa loob ng freeport area.
The post FAB Mobile Vaccination, malaking tulong appeared first on 1Bataan.