Ito ang malinaw na ipinahatid na impormasyon ng mga transport association sa kabubukas na transport terminal sa FAB na hindi sila lalahok sa darating na malawakang transport strike na nagsimula kahapon, hanggang biyernes ( March 6- 10, 2023).
Ayon sa mga opisyal ng Mariveles Freeport Area of Bataan Jeepney Operators and Drivers Association ( MFABJODA) gayundin ng Freeport Area of Bataan Jeepney Operators and Drivers Ass’n (FABJODA), hindi sila lalahok sa transport strike ng malalaking samahan ng transportasyon sa Maynila.
Gayun pa man nagpahayag ng pagtulong ang FAB Public Safety and Security Department na mag aantabay at tutulong sila sa magaganap na sitwasyon para alalayan ang mga pasaherong mga manggagawa ng FAB.
Ayon naman kay Administrator Emmanuel Pineda ng AFAB, nakahanda na lahat ang kanilang mga transportasyon para magsakay ng mga pasehero sakali’t kulangin ang mga pampasaherong jeepney upang makarating sa kanilang mga trabaho ang ating mga manggagawa sa FAB.
The post FAB Transport Association, hindi lalahok sa transport strike appeared first on 1Bataan.