Ito ang sinabi ni Gob. Joet Garcia sa panayam ng media matapos ang paglagda sa Sisterhood Agreement sa pagitan ng Lungsod ng General Santos at Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan.
Ayon kay Gob. Joet, 1968 pa lamang ay siyudad na ang Gen San kung kaya’t marami tayong matututunan pagdating sa pamamahala, kung papaano kumikilos ang mga negosyante dahil ayon sa kanila, negosyante ang nagdala sa kanilang ekonomiya.
Tinawag umanong Food Basket ang Gen San sa Mindanao dahil bukod sa tuna, maganda ang kanilang produksyon sa agrikultura, at marami tayong matututunan pagdating sa fishport at food processing lalo na ngayong gagawin nang world class ang Orani Fishport gamit ang 200M pisong pondo na inilaan ng DA-DRPD para paunlarin ito.
Ayon pa rin kay Gob. Joet, malaking bagay din kapag natuloy ang direct flight from Gen San to Clark thru Air-Asia dahil isang oras lang narito na ang mga produkto nila, at dahil may freeport tayo pwedeng maging hub ang ating lalawigan.
Ngayon pa lang, nagcommit na si Mayor Norlie Pacquiao, na maglalaan ng espasyo sa kanilang airport para sa mga produkto ng Bataan gaya ng tinapa, kasuy at iba pa.
Nakatutuwa din, ayon pa kay Gob. Joet, na mangha sila sa ating The Bunker at ibang pang imprastraktura at nais nilang matutunan ang proseso ng Public- Private Partnership (PPP) para sa kanilang mga proyekto sa hinaharap.
The post Fishport at food processing, magandang matutunan sa Gen San appeared first on 1Bataan.