Sa ngayon ay dumami na ang mga farm-to-market roads (FMR) sa Hermosa, Bataan, wala nang dahilan para hindi gumaan ang buhay ng mga naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Hermosa, at madala sa kabayanan ang kanilang mga aning palay, prutas, at iba pang produktong pangkalakal.
Ang mga konkretong daan o farm-to-market roads na nag-uugnay sa mga liblib na barangay patungo sa kabayanan, ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton ay magpapaunlad sa kabuhayan ng mga residente sapagkat mapapadali ang pagluluwas ng kanilang mga produkto.
“Ginawa lang natin ang tama,” pahayag pa ni Mayor Jopet.
Ang pinakahuling FMR ay matatagpuan sa Barangay Mabiga na kamakailan lamang ay pinasinayaan ng mag-amang dating bise-presidente Jejomar Binay at Sen. Nancy Binay.
Ang iba pang konkretong daan na nauna nang ginawa ay sa Sitio Nazareno, Culis; sa Barangay Bamban, at Barangay Almacen.
Sa Barangay Mabiga umano itatayo ang expansion project ng Freeport Area of Bataan (FAB) kung kaya’t unti-unti nang ginagawa ang mga daan sa naturang barangay.
The post FMR sa Hermosa dumami na appeared first on 1Bataan.