Opisyal na binuksan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang farm-to-market road (FMR) sa Barangay Sabang sa Morong, Bataan.
Ang proyektong ito na may habang 500 metro ay pinondohan mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), na ibinigay sa lokal na pamahalaang yunit (LGU) bilang pagkilala sa kanilang pagpasa sa 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG). Binigyang-diin ni DILG Provincial Director Belina Herman na makikinabang sa nasabing imprastraktura ang mga mangingisda, magsasaka, at mga residente.
Sa kanyang panig, nagpasalamat si Mayor Cynthia Linao-Estanislao sa suporta ng ahensya sa kanilang pagkakamit ng prestihiyosong SGLG award, na nagbigay-daan sa kanilang pag-avail ng SGLGIF. Ipinaliwanag niya na ang FMR ay isang mahalagang hakbang patungo sa kanilang layuning maging pangunahing destinasyon para sa mga turista.
Ang SGLGIF, dating kilala bilang Performance Challenge Fund, ay isang insentibo na ibinibigay sa anyo ng pinansyal na tulong sa mga karapat-dapat na LGUs sa ilalim ng Local Governance Performance Management Program.
The post FMR sa Morong, bukas na! appeared first on 1Bataan.