Founding anniversary ng Dinalupihan

Philippine Standard Time:

Founding anniversary ng Dinalupihan

Masayang sinimulan sa bayan ng Dinalupihan nitong Lunes ang tatlong araw na selebrasyon ng kanilang ika-106 na taong pagkakatatag na kauna-unahang ipagdiriwang ngayong taon na may temang “Food and Music Festival”.

Nagpasalamat si Mayor Tong Santos sa Sangguniang Bayan ng Dinalupihan partikular na kay Konsehal Noli Soriano sa ipinasang resolusyon tungkol sa pagkakatatag ng kanilang bayan na base sa Proklamasyon ni Gov. Francis Burton Harrison noong Jan 1, 1918. Subalit dahil napagkasunduan nila sa resolusyon na ipagdiwang ito tuwing huling Biyernes sa buwan ng Enero kada taon.

Sinimulan ang selebrasyon, (Jan, 22-24) sa pagtugtog ng bandang “Kiss me Brando” na nilahukan ng may 26 na food exhibitors.

Sa ikatlong araw ng pagdiriwang ay magkakaroon ng band concert sa gabi na tatampukan ng mahubusay na banda tulad ng Orange and Lemon, Lily (dating calla lily) at One Carlos band.

Bumati rin si Vice Mayor Fer Manalili na buo ang suportang ibinigay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Dinalupihan.

The post Founding anniversary ng Dinalupihan appeared first on 1Bataan.

Previous PBBM to Aliño: “Take care of SBMA and its people”

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.