Para sa mataas na kalidad ng edukasyon, nakipagtulungan ang Sangguniang Barangay ng Alion, Mariveles, sa Micro City College of Business and Technology, Inc.
Kasama ang TESDA para sa mga mag-aaral na nagnanais mag-avail ng kanilang programang FREE tuition na, FREE allowance pa.
Ayon kay Punong Barangay Al Balan muli silang nakipagpartner sa Micro City sa mga ini-o- offer nitong scholarship programs, gaya ng 3-year Diploma Course in Hospitality in Management at Diploma Course in Tourism Technology sa ilalim ng TESDA.
Iniimbitahan ni PB Balan ang mga interesadong mag-aaral na mula sa kanilang barangay o kalapit barangay na magtungo sa kanilang tanggapan sa barangay para malaman ang mga dokumentong kinakailangang isumite.
Sinabi pa ni PB Balan na ang karamihan sa mga naunang batches na nakatapos ay nagsisipagtrabaho na ngayon at ang iba sa kanila ay sinuwerte na makapagtrabaho sa ibang bansa.
The post Free tuition na, free allowance pa! appeared first on 1Bataan.