Ginanap ni Mayor Gila Garcia sa loob ng tatlong araw ang taunang General Assembly para sa mga sectoral groups ng senior citizens, KALIPI, PWD, mga magsasaka at ERPAT (mga ama) sa nasabing bayan.
Ayon kay Mayor Gila, noon umanong walang pandemya, ang pinadadalo niya ay ang lahat ng miyembro ng mga sektor na ito, sa ngayon ay mga sectoral officers na lang muna ang pinadalo dahil na rin sa banta ng pandemya dahil baka sa sobrang dami ng tao ay hindi na masunod ang social distancing at iba pang safety and health protocols.
Sa nasabing assembly, bukod sa ito ay pagdiriwang ng Kapaskuhan, ay sinamantala na rin umano niya na ipaliwanag sa kanyang mga kababayan ang paghahati sa Lalawigan ng Bataan sa tatlong congressional districts na kung saan ang bayan ng Dinalupihan ay mapapabilang na sa 3rd-district.
Dito ay inilahad ni Mayor Gila Garcia ang kagandahan ng pagkakaroon ng ikatlong distrito, na madaragdagan umano ang pondo ng lalawigan ng isa pang bilyong piso, kung noon umano ang 2 distrito ng may tig-6 na bayan ay naghahati sa tig-isang bilyon, ngayon umano ay 4 na bayan na lamang ang maghahati sa 1bilyong piso dagdag pa rito ang P50 milyong piso na ibinibigay ng Pamahalaang Nasyonal para sa mga programang TUPAD at AICS.
The post General assembly ginanap sa Dinalupihan appeared first on 1Bataan.