Global Blockchain Summit isinasagawa sa Bataan

Philippine Standard Time:

Global Blockchain Summit isinasagawa sa Bataan

Isinasagawa ngayon sa Bataan ang kauna-unahang Global Blockchain Summit sa bansa kung saan nagsama-sama ang iba’t-ibang eksperto sa larangan ng teknolohiya partikular na sa Blockchain industry mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang ibahagi sa pampubliko at pribadong sektor ang kanilang kaalaman at karanasan para sa pagsusulong ng makabago at modernong ekonomiya o ang tinatawag na digital economy.

Sa naturang okasyon ay ibinahagi ni Bataan Governor Joet Garcia ang kahalagahan ng R.A. 11453 sa pagsusulong ng digital na transpormasyon sa Freeport Area of Bataan at sa probinsya ng Bataan. Aniya, dahil sa batas na ito, tiyak na magiging natatanging tahanan ang FAB at Bataan ng mga makabagong industriya tulad ng blockchain, financial technology, distributed ledger technology, at iba pa.

Ang naturang summit ay naisakatuparan sa tulong ng Department of Information and Communications Technology sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Balanga City Government at ng Authority of the Freeport Area of Bataan. Buo din ang suporta sa naturang summit nina Bataan 2nd District Rep. Abet Garcia at 3rd District Rep. Gila Garcia. Nagbigay naman ng congratulatory message si Vice President Sara Duterte-Carpio sa pamamagitan ng isang recorded video message.

The post Global Blockchain Summit isinasagawa sa Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Government and private sectors can unite

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.