Isa si Gov. Joet Garcia gayundin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa mga tumanggap ng FABNERSHIP award sa nakaraang 10th Annual Stakeholders Night sa FAB dahil sa 100% suportang ibinigay nito sa mga programa ng AFAB.
Tinanggap ni Vice Mayor Lito Rubia ng Mariveles kasama ang ilang konsehal, sa ngalan ng Gobernador.
Samantalang tinanggap naman ni Juanita Cruz , isang FAB worker, ang Loyalty Award dahil sa pagta-trabaho nito ng 46 na taon sa FAB, gayundin sina Florencio Ledina (44 na taon), Marcela Diaz (42 taon), Jocelyn Agaloos (41 taon) at Iluminada Calingasan (41 taon).
Tinanggap naman ng Essilor Manufacturing Phil. Inc ang Overall Best FAB Enterprise Award, kasama ng Perpetual Prime Mfg Inc. (2nd place) at East-Cam Tech Corp (3rd place) sa overall award.
Marami pang awards ang ipinamahagi ng FAB sa iba’t ibang kategorya ng gabing iyon, na ayon kay FAB Administrator Emmanuel Pineda, “We paid tribute to the following who have laid the foundation of the Freeport Area of Bataan, to all the businessmen who took the risks and invested in the same, to the workers who have toiled day and night to build the economy and to our LEADERS, who have binded us with wisdom, vision and courage, they are not just contributors to FAB continued success but also our partners in our journey to progress”, dagdag pa ni Pineda.
The post Gov. Joet, wagi sa FABNERSHIP award appeared first on 1Bataan.