Isa magagandang proyekto ng Department of Public Works and Highways, District 1 sa pamumuno ni Engr. Boying Flores ay ang nakatakdang gawing Gov Pascual road sa Orani na may 10 kilometro ang haba mula Brgy. Poblacion hanggang Brgy. Tala, sa susunod na taon.
Ayon kay District Engr. Flores tapos na ang validation nito at tiyak na sisimulan na sa susunod na taon, na malaking tulong para sa pag-usbong ng turismo sa nasabing lugar. Ibinalita rin ni Engr. Flores na hindi lamang Tala road ang nakatakda nilang gawin kundi maging ang daan paakyat ng BNAS, na mula umano doon ay pwede nang lumabas sa Brgy. Mabatang, Abucay. Ibinahagi rin ni Engr. Flores na isa sa magagandang legasiyang maiiwan niya sa DPWH Dist.1, kapag siya ay nag-retire na sa susunod na taon, ay ang napakaganda at modernong gusali nito na pasisinayaan ngayong buwan ng Oktubre. Natutuwa siya na halos lahat ng kanilang proyekto sa taong ito ay mga patapos na at maayos ang pagkakagawa.
The post Gov. Pascual Road, nakatakdang maging national road appeared first on 1Bataan.