Ito ang magandang balita ni Pilar Mayor Charlie Pizarro Jr. para sa kanyang mga kababayan sa naging panayam ng 1Bataan News nitong nagdaang Biyernes. Ayon kay Mayor Pizarro, itatayo ito sa 20 ektaryang lupain sa kanyang bayan at may taas na 20 palapag kada gusali. Aniya, sa kanyang pakikipagpulong kamakailan kay Sec. Jerry Acuzar ng Department of Human Settlement and Urban Development, kinumpirma aniya ng Kalihim na may nakalaan nang pondo para sa naturang proyekto, na ang pangunahing benepisyaryo ay nasa 200 informal settlers ng bayan ng Pilar.
Bahagi ng priyoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtugon sa mahigit 6.5 milyong backlog ng pabahay kabilang ang tinatayang nasa 3.7 milyong ISFs o informal settlers families sa buong bansa. Karamihan sa mga local chief executives kagaya ni Mayor Pizarro ay nangakong susuportahan ang blueprint ng pabahay ng administrasyong Marcos at nagpahayag ng kanilang kahandaang maglaan ng mga mapagkukunan ng lupa para sa pagpapaunlad ng mga bagong lugar ng proyekto, kabilang ang paggawa ng mga estero, at mga daanan upang tumulong sa pagpapanumbalik at rehabilitasyon ng ating mga daluyan ng tubig.
The post High-rise housing units, itatayo sa Pilar appeared first on 1Bataan.