Ito ang mahalagang mensahe ni Regional Director PBGen. Oscar delos Reyes Pasiwen ng PNP Region 3 nang bumisita ito sa Camp Tolentino, Bataan. Ayon sa kanya hindi lamang police visibility kundi presensya ng pulis sa komunidad, dagdag pa niya, iwasan na daw muna ang mga air-conditioned office, kailangang palabasin ang mga mobile forces pati mga SAF at magpatrulya sa ating mga convergence areas para ipadama sa komunidad na may mga pulis tayo na handang tumulong at magsilbi sa kanila.
Ang pagpapatrulya, ayon pa kay RD Pasiwen, ay isang paraan para mapalapit ang mamamayan sa pulis, makapag iinteract sila at malalaman ang problema. Bahagi rin ng programa ang presentasyon ni PD Romell Velasco ng kanilang SACLEO (Simultaneous Accomplishment on Law Enforcement Operation) kung saan 315 na assorted firearms ang na-recover, nakumpiska at isinurender, sa kanilang tuluy-tuloy na firearm control activity sa lalawigan.
Bukod sa paggagawad ng parangal sa mga natatanging pulis ay binigyan din ng pagpapahalaga ang pagsuko sa gobyerno ni Ricardo dela Pena aka “jumong” ng Lino Blas Command. Binigyan din ng ayudang sako-sakong bigas ang may 50 pamilya na kabilang sa AMGL o Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon na kumalas na sa kanilang kilusan.
Hinangaan ni RD Pasiwen ang Talipapa para sa Aeta na tulong sa panahon ng pandemya na proyekto ni PD Velasco. Sa kabuuan ay naging makabuluhan umano ang kanyang pagbisita dahil sa mahusay na accomplishment ng Bataan PNP sa pamumuno ni PD Romell Velasco.
The post Hindi police visibility kundi police presence appeared first on 1Bataan.