Ito ang isa sa mga mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katatapos na seremonya sa paggunita sa ika-82 Araw ng Kagitingan sa Mt Samat kahapon.
Ayon kay Pangulong Marcos, bumagsak man ang Bataan noong 1942, hindi tayo dapat magpa-api lalo na sa loob ng ating sariling bakuran; nawa’y mapagkunan natin ito ng ibayong kamalayan, tapang at lakas ng loob.
Binanggit rin ni Pangulong Marcos ang pag aatas sa Defense, Budget at Finance Departments para pag-aralan kung sapat ang mga benepisyo para sa mga sundalong nagkaroon ng total at permanent disability sa line of duty, gayundin ang mga gamit ng sandatahang lakas para maimbentaryo. “We must therefore ensure their safety by procuring the right equipment”. Samantala, sinabi ni Ambassador Enzo Kazuya ng Japan na sila ay magdo donate ng barko sa Philippine Coast Guard at mga equipment sa Navy
The post “Hindi tayo dapat magpa-api sa loob ng ating bakuran” appeared first on 1Bataan.