Sinaksihan ni Sec. William Dar ng Department of Agriculture (DA) ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA sa pagitan ng LandBank of the Philippines sa pangunguna ni LBP Pres. Cecilia Borromeo at Charoen Pokphand Foods Phil. Corporation (CPFP) Vice Chairman Sakol Cheewakoset,na layong bigyan ng suporta ang mga hog, poultry at aqua raisers sa bansa.
Sa kanyang mensahe sinabi ni CPFP Vice Chairman Sakol Cheewakoset na nais niyang makita ang CPFP na maging “Kitchen of the World” at makapagbigay ng mga benepisyong tulad ng sustainability, food security and stability at job generation. Sa ngayon aniya, ay mayroon na silang 3,000 empleyado sa buong bansa.
Ayon pa kay Cheewakoset, ang pagiging matagumpay at resilient ng kanilang mga hogs, poultry at aqua raisers ay dahil sa kanilang “state-of-the-art” bio-secured farms na walang nakapapasok na anumang sakit sa kanilang farms at nakaaapekto sa kanilang mga alagang hayop.
Samantala, sinabi naman ni LBP Pres. Cecilia Borromeo na ang collaboration ng LBP sa CPFP ay kanilang kontribusyon para maging matatag ang ating hog, poultry at aqua industry na madalas salantain ng iba’t ibang sakit ng hayop na siyang nagiging dahilan ng pagbagsak ng negosyo.
Ayon pa kay Borromeo nag-aproba na ang LBP ng halagang P19. 5 Bilyon para ipautang sa ating mga kababayan sa mga nasabing industry, kung saan ang CPFP ang magre-rekomenda ng mga investors na nangangailangan ng nasabing financing para makapagpatayo ng mga biosecured facilities para sa kanilang mga hogs, poultry at shrimp industry.
The post Hog, poultry at aqua raisers, makikinabang sa partnership appeared first on 1Bataan.