Ito ang naging buod ng mensahe ni Vice Gov. Cris Garcia, na ayon sa kanya matapos ang napakalaking sunog na tumupok sa mga kabahayan at kabuhayan ng ating mga kababayan dito sa bayan ng Orion, tatlong taon na ang nakalilipas, ay hindi nagpabaya ang ating Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Bayan na humanap ng paraan para makuha ang tulong mula sa Department. of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa pamumuno ni Secretary Eduardo del Rosario.
Nakatutuwa ayon pa sa masipag na Bise Gobernadora, na ang ating mga kababayan na binubuo ng may 2, 936 na pamilya ay magkakaroon na ng kaayusan at kaginhawahan, na mula rito ay uusbong ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat miembro ng pamilya.
Binigyang-diin ni Vice Gov. Cris, na ang Sangguniang Panlalawigan na kanyang pinamumunuan ay patuloy na magpapasa ng mga makabuluhan at napapanahong mga ordenansa at resolusyon para sa ikagiginhawa ng mga pamilyang Bataeno.
The post “If there’s a will, there’s a way” – Vice Gov. Cris Garcia appeared first on 1Bataan.